Main Registration

Login

Welcome Guest | RSSSunday, 2024-05-19, 4:47 PM
Site menu

Tag Board

Main » 2009 » April » 22 » Filipino...Pamamahayag
Filipino...Pamamahayag
8:26 PM
Ang Filipino-Turkish Tolerance School ay nagsagawa ng “Journalism Class” para sa mga piling mag-aaral ngayong bakasyon. Ito ay inilunsad para sa pampa-aralang pahayagan ngayong darating na pasukan. Nagsimula ang programang ito mula noong ika-30 ng Marso hanggang ika-25 ng Abril.

Ang programang ito ay laan para sa mga mag-aaral na kinakitaan ng talento sa pagsusulat. Ang FTTS ay isang institusyon kung saan ang pinagtutuunan ng pansin ay ang kinabukasan ng bawat mag-aaral at ng bawat mamamayan ng ating lipunan kung kaya ay isinagawa ang nasabing programa.

Ang layunin ng programang ito ay upang hasain ang mga mag-aaral sa pagsusulat at ihanda para sa darating na mga kompetisyon na may kaugnayan sa pagsusulat. Ang mga mag-aaral na sumasailalim sa programang ito ay siya na ring mga opisyal na miyembro ng pampaaralang pamahayagan.

Hindi lamang simpleng pagtuturo ang ginagawa ng mga guro sa programang ito. Meron ding mga aktibidad na kung saan ang mga opisyal ng mga kilalang publikasyon dito sa lungsod ng Zamboanga ay iniimbitahan upang maituro at maibahagi ang kanilang mga kaalaman tungkol sa pamamahayag.

By:Edelriza Legaspi

Views: 1790 | Added by: earlclandestine | Rating: 0.0/0 |
Total comments: 0
Name *:
Email *:
Code *:
Login form

News calendar
«  April 2009  »
SuMoTuWeThFrSa
   1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930

Search

Site friends

Copyright MyCorp © 2024